Sa jeep, parang may iba’t ibang mundo kayo ng mga kasakay mo.
pag umaga, meron dyan yung malelate ng studyante na laging patingin tingin sa oras at kapag pahinto hinto pa yung jeep, lalo syang malelate.
meron pa dyan yung “pa-cool” at halatang may sariling mundo talaga lalo na pag pinasak na nya sa mga tenga nya yung mga earphones nyang buhol buhol.
di rin nawawala ang may edad na babae na kapag nakakita ng kakilala ay magkukwento na ng kanyang talambuhay.
minsan mo na rin inasam na sa pagsakay ng jeep, may makatabi kang pogi.
meron din dyan, nagtatrabaho naman.
at di rin nawawala kapag
hapon ang inaantok na pasahero na halos mahahalikan na ang katabi sa twing mahuhulog ang kanyang ulo na kapag nagpreno ang driver ay biglang maaalimpungatan.
sa loob ng jeep, marami kang storyang maririnig, chismis na malalaman, at kung ano ano pa.
sa jeep, maraming iba’t ibang katauhan ang maeencounter mo araw araw.
malay mo sa simpleng pagsakay mo sa jeep, makasakay mo crush mo at kapag sinuwerte ka, sobrang daming humps ng dadaanan nyo :))

