Pages

Thursday, 9 August 2012

less than 40 days.


binilang ko na yung kung ilang days na lang ang papasukan ko for the 1st sem. 
Kapag 3rd week ng October ang sem break, tama yung bilang ko.
nakakalungkot kasi less than 40 days na lang. T^T
puro holiday kasi ngayong August. wala pa kaming pasok ng Saturday at Wednesday.

Ang bilis ng panahon. Ilang araw na lang, BER months na naman. 
Parang kakapasok ko pa lang nung June.
Tapos nakakilala ako ng mga bagong kaibigan.
Nung una, konti pa lang sila. 
Pero habang lumilipas ang mga araw, dumami na yung mga naging kaibigan ko.
Ang nakakatuwa pa dun, kahit 1 month pa lang kaming magkakakilala, magkakapatid na turingan namin. Kapag may problema yung isa, nag-aalala lahat.

Kahit yung mga lalaki, laging nandyan kapag may problema ka. 
Isang rule sa klase namin yung kung maiiwasan, "Huwag na muna Magboyfriend". 
Sa hirap ba naman ng course namin na kailangan talaga ng focus.

less than 40 days na lang buo yung I-BSA BLOCK III.
umaasa ako na makapasa kaming lahat next sem sa course pa din namin. nakakakaba din kasi. 

Ang saya lang siguro talaga nung naging bonding namin kahit sandali pa lang yun. 
ghost stories, dance revo, videoke, cell group, lunch dates, tawanan, chikahan.

Next sem panibagong kakilala na naman. Hindi na siguro kami yung mismong magkakablock. may madadagdag, o may mawawala. 

mamimiss ko yung una kong naging pamilya sa college.  <3

0 comments:

Post a Comment

 

Blogger news

Blogroll

Personal - Top Blogs Philippines

About