Lagi natin yang sinasabi kapag may nangyaring masama satin.
O kaya naman yung tipong alam natin na mapapagalitan na tayo.
Pero yan dapat ang lagi nating iisipin.
Simpleng salita pero totoo.
Pag may problema, dapat hindi natin masyado iniintindi ito.
Dapat humahanap pa din tayo dito ng magandang naidulot ng problemang to.
Positive Thinker dapat tayo.
Nawalan ako ng dalawang cellphone 2 days ago.
Ang masaklap pa dun, isang iPhone at isang Blackberry.
Nung una, hindi ko talaga alam gagawin ko dahil kahit anong hanap ko sa bag ko, wala na.
Sa una, manlulumo ka talaga. Pero habang tumatagal, napa-isip ako, may okay na yun kesa kung anong mangyari saking masama.
Ang
Materyal na bagay lang yan. Kaya natanggap ko na rin na ok lang yung nangyari.
Everything happens for a reason.
Siguro kaya nangyari yun dahil kailangan nung taong yun ng pangtuition or something.
Nakatulong pa ko kahit ako yung nawalan. Siguro way yun ni Lord para marealize ko na huwag masyadong damihan ang oras para sa mga materyal na bagay.
Kahit ganun yung nangyari, inisip ko pa din yung magandang epekto sakin nun.
Kaya ngayon, mas magiging maingat na lang ako sa gamit ko, at sa lahat ng bagay na importante sakin.
=))
-sushiiibabes-

0 comments:
Post a Comment