Pages

Friday, 7 September 2012

parang kakaiba yung araw na to :))



parang walang problema masyado. kakaiba hahaha.
nakakatuwa lang kasi di ako nahirapan sa accounting kasi nagdiscuss lang.
nakakatuwa kasi di umattend yung prof namin sa management.
nakakatuwa lang kasi sa training, ang bait ni coach, pumayag na umalis kami ng maaga para makapagreview pa kami.
tapos nung earth sci namin, 3 chapters yung coverage nung exam namin, mga 40 pages siguro yung rereviewin. di ko inexpect na makaka 1.5 pa ko. grabe lang :))
tapos ayun, foodtrip! hahaha. kahit umuulan, puto bumbong tapos lipat pa ng mcdo para sa chicken burger :3 tapos nakakahawa pang kumain yung classmate ko. hahahaha
sana araw araw na lang na ganun. ;)

bumabalik na yung dating ako. :)



tapos na ko magreview kahit papano. :) sarap sa feeling.
tapos ko na din yung assignment sa accounting.
kahit di ako sure sa mga sagot ko, ok lang. at least nagtry ako kahit mapuyat na ko kakaadjust ng entry.
kahit papano, may bala na ko sa gera bukas.
nakakatuwa lang kasi habang ginagawa ko yung assignment sa accounting, andun na naman yung thrill na naramdaman ko nung una kaming binigyan mg assignment ng
prof namin. yung tipong ganado ka magsagot.
sa totoo lang, nawala yun nung halos 2 weeks akong bakasyon. nawala yung “momentum” ko sa pag-aaral. hindi biro yung pinasukan ko, pero ayokong sumuko. kakayanin ko to hanggang dulo. :)
parang nun training lang kanina ng badminton, after 2 weeks na din akong di nakapagtraining. pero nung bumalik ako kanina, unti unti ng nasasanay ulit yung katawan ko sa ganun.
bumabalik na yung dating ako.
yung ako bago maglong weekend na umabot na ng 2 weeks.
nandyan na ulit yung passion ko para
mag-aral at magtraining :))
magtuloy tuloy pa sana. :))
 

Blogger news

Blogroll

Personal - Top Blogs Philippines

About