Pages

Tuesday, 11 December 2012

Jeep.

Sa jeep, parang may iba’t ibang mundo kayo ng mga kasakay mo.



pag umaga, meron dyan yung malelate ng studyante na laging patingin tingin sa oras at kapag pahinto hinto pa yung jeep, lalo syang malelate.



meron pa dyan yung “pa-cool” at halatang may sariling mundo talaga lalo na pag pinasak na nya sa mga tenga nya yung mga earphones nyang buhol buhol.



di rin nawawala ang may edad na babae na kapag nakakita ng kakilala ay magkukwento na ng kanyang talambuhay.



minsan mo na rin inasam na sa pagsakay ng jeep, may makatabi kang pogi.



meron din dyan, nagtatrabaho naman.



at di rin nawawala kapag

hapon ang inaantok na pasahero na halos mahahalikan na ang katabi sa twing mahuhulog ang kanyang ulo na kapag nagpreno ang driver ay biglang maaalimpungatan.



sa loob ng jeep, marami kang storyang maririnig, chismis na malalaman, at kung ano ano pa.



sa jeep, maraming iba’t ibang katauhan ang maeencounter mo araw araw.



malay mo sa simpleng pagsakay mo sa jeep, makasakay mo crush mo at kapag sinuwerte ka, sobrang daming humps ng dadaanan nyo :))

Saturday, 8 December 2012

Callalista since 2007.

callalily yung pinakauna kong bandang kinahumalingan talaga ever since.



tanda ko pa nun, dahil di pa uso magDL sa net tapos wala pa kong cellphone nun, at wala pa kaming computer at kahit anong gadget bukod sa mumurahing cellphone, hahaha, bumili talaga ko nung cd na maraming kanta. 100 songs ata yun. iba’t ibang banda. eh kaya ko lang binili dahil kumpleto yung kanta ng callalily dun. hahaha.



tapos nasa kwarto ko yung cd player namin, twing gabi, bago talaga ko matulog, ipeplay ko yun ng paulit ulit. hahaha.



hanggang sa may manghiram, hindi na nabalik sakin. BV. hahaha.





tapos, Callalily kasi yung featured ng Myx dati, ayaw ako ibili nung magazine, sobrang nakakalungkot nun ng umuwi ako ng di ko nabili yung mag na yun.

pero syempre, hindi ko hahayaan na mawalan ako ng copy nun. hahaha. nagkaron din naman ako.



tapos first year yata ako o third year, pumunta sa mall malapit samin yung callalily. edi punta naman kami agad. hahaha. kaso ang tagal nila dumating.



kaya pumunta muna kami sa mcdo, tapos biglang nagsigawan yung mga tao sa labas. ibig sabihin nandun na ang mga babes ko. hahahaha.

napatakbo na ko papuntang event center. tapos Stars pa yung first song na kinanta nila nun na sobrang fave ko bukod sa magbalik.



as in kinilabutan ako, kasi finally, nakita ko si Kean Cipriano. at lahat sila. hahaha. ang gwapo lang. tapos live pa syang kumakanta. shemay.



ngayon apat na lang sila. san ba napunta si alden? tsk. iba pa din nung lima pa sila.



di naman ako ganung kaadik sa kanila pero inlove lang ako sa mga kanta nila. as in. hahaha.



ngayon, mas sikat na sila. :”) sana may chance ulit na marinig ko silang kumanta live. :”))

when true love beats the first love.

sa totoong buhay, 1 out of 10 na lang siguro ang nakakatuluyan nila ay ang first love nila.



kasi ngayon, daig na ng true love ang first love.



sa first love, dahil first time, nandyan pa yung adjustments, at kapag hindi nagwork-out, then saka magiging over.





after years or months, may bagong dadating.



base sa perspective ko, mas maswerte ang pangalawang minahal at mas maswerte talaga kung sya na ang huli.



kasi sa pangalawa, alam mo na ang naging mali sa past relationship mo kaya alam mo na ang hindi mo dapat gawin.



mas nag matured ka na siguro sa pangalawa, mas naging understanding at mas may trust ka na kesa sa pagkakaroon ng makitid na utak.



kaya kung pangalawa, pangatlo o mas mabuti kung pakiramdam mong panghuli ka na, mas okay na yun. mas nag-iimprove ang tao kapag ganun.



pero depende pa din yan. hahahaha. malay mo sadyang playboy lang yan at dinagdag ka lang sa listahan nya. :3





——



sushiiibabes.

pinasaya mo ko, sobra :)

ang ganda lang ng araw ko ngayon. :))



dahil puyat na puyat ako kagabi, 1-5 pm akong tulog. hahahaha.



tapos paggising ko, tumblr muna.

tapos bigla kong nakita na nagreply si kuya marcelo sa isa kong post :”)



hindi ko naman inaasahan na sa isang post ko na yun, mapapansin pa ni kuya marcelo yun. pero ang saya pala nung feeling. :”)



tapos nung pagpunta ko sa may sala namin, para kong nananaginip kasi nasa table na namin yung “Para sa hopeless romantic” book ni kuya marcelo.



yung lola ko pala yung nakareceive kanina. hahaha.



hindi naman ako nananaginip. hahaha. pero to good to be true pa ang peg. kasi kala ko tuesday pa daw maidedeliver.



tapos eh bago pa nun, tinanong pa ni kuya marcelo dun sa reply kung nareceive ko na. sakto. hahahahaha.



hindi ko naman birthday pero yun yung feeling. hahahaha.



thanks kuya marcelo :))



at super thank you din kay kuya mark :))



sa susunod na book ulit, mga Kuya! :)

First timer.

first time ko bumili ng kung ano online.



kasi nga di naman ako palabili online.

mas mapapamahal ka pa kasi may shipping pa.

plus yung di naman maiiwasan na isipin mo na baka di mapadala.



pero last thursday, umorder ako nung book ni marcelo na “Para sa Hopeless Romantic”.



isang buwan ko na kasing inaasam yun. haha.

nung una nga, meet-up na lang kako para tipid tapos may pinsan pa kong pwedeng makipagmeet-up dun sa PUP.



kaso, hindi nagtutugma talaga yung schedule nilang dalawa.

first attempt na meet-up kasi, bago magsembreak. hindi sila nagkatugma ng sched kaya nauntol.



tapos nung after sem. wednesday daw ang meet-up. kaso yung pinsan ko naman, fully loaded yung sched nya ng wednesday :/. kaya hindi na natuloy.



kaya desidido na kong umorder online lalo nung nakita ko na last 500 stocks na lang.

nagpareserve muna ko nung sunday tapos thru bpi pa magbabayad.



mag-isa lang akong pumunta sa bpi kanina.

srsly. mukha siguro akong tanga nung nasa bpi ako. hahaha.

pero syempre, di ko pinapahalata na ganun.



di pa ko sigurado kung ano gagawin ko nung una, kung deposit ba o payment. first time eh. hahaha. pero buti na lang, naging ok naman, smooth lang yung first time ko magbayad thru bpi. hahaha.



pwede nang umulit :))

Friday, 7 September 2012

parang kakaiba yung araw na to :))



parang walang problema masyado. kakaiba hahaha.
nakakatuwa lang kasi di ako nahirapan sa accounting kasi nagdiscuss lang.
nakakatuwa kasi di umattend yung prof namin sa management.
nakakatuwa lang kasi sa training, ang bait ni coach, pumayag na umalis kami ng maaga para makapagreview pa kami.
tapos nung earth sci namin, 3 chapters yung coverage nung exam namin, mga 40 pages siguro yung rereviewin. di ko inexpect na makaka 1.5 pa ko. grabe lang :))
tapos ayun, foodtrip! hahaha. kahit umuulan, puto bumbong tapos lipat pa ng mcdo para sa chicken burger :3 tapos nakakahawa pang kumain yung classmate ko. hahahaha
sana araw araw na lang na ganun. ;)

bumabalik na yung dating ako. :)



tapos na ko magreview kahit papano. :) sarap sa feeling.
tapos ko na din yung assignment sa accounting.
kahit di ako sure sa mga sagot ko, ok lang. at least nagtry ako kahit mapuyat na ko kakaadjust ng entry.
kahit papano, may bala na ko sa gera bukas.
nakakatuwa lang kasi habang ginagawa ko yung assignment sa accounting, andun na naman yung thrill na naramdaman ko nung una kaming binigyan mg assignment ng
prof namin. yung tipong ganado ka magsagot.
sa totoo lang, nawala yun nung halos 2 weeks akong bakasyon. nawala yung “momentum” ko sa pag-aaral. hindi biro yung pinasukan ko, pero ayokong sumuko. kakayanin ko to hanggang dulo. :)
parang nun training lang kanina ng badminton, after 2 weeks na din akong di nakapagtraining. pero nung bumalik ako kanina, unti unti ng nasasanay ulit yung katawan ko sa ganun.
bumabalik na yung dating ako.
yung ako bago maglong weekend na umabot na ng 2 weeks.
nandyan na ulit yung passion ko para
mag-aral at magtraining :))
magtuloy tuloy pa sana. :))

Thursday, 30 August 2012

typical na araw.

dahil halos isang linggo akong walang pasok dahil puro holiday at wala talaga akong pasok,
eto ako sa bahay. NGANGA. hahahaha

mas nakakapag-isip ako kapag gabi.
kaya gabi lagi akong nagbblog.

mas tumaba ata ako, dahil christmas vacation ang peg ng bakasyon ko.
dagdag mo pa yung buko salad na ginawa ng aking mother dear.

tumblr dito, facebook dun. update din ng storya sa wattpad.
yan lang ginagawa ko lately.

nasa bahay lang ako. gusto ko mang gumala araw-araw.
nakakatamad at mainit. hahahaha


Thursday, 23 August 2012

Take the Risk, Again.

yan yung title ng pinaka una kong story sa wattpad.
kakasimula ko pa lang dyan.
natripan ko lang magpost. ewan ko ba, umupo lang ako sa harap ng pc, nakaopen yung tab ng wattpad, tapos ayun, triny ko magpost ng story.

alam mo yung may story ka na nasa isip mo na, may ending na din, saka conflict pero ang hirap pala pahabain nung kwento. hindi naman pwedeng ganito:

"Hindi na sya muling nagmahal dahil nasaktan na sya dati. Pero nung may dumating na lalaking para sa kanya, handa na ulit siyang magtake ng risk, at masaktan. pero yung lalaki, iniwan din sya dahil ..." ok.

para ka lang gumawa ng isang paragraph. hahahaha.

sana matapos ko to, sana may magbasa, sana magandahan yung magbabasa.
sana may kiligin.

:3

Thursday, 9 August 2012

less than 40 days.


binilang ko na yung kung ilang days na lang ang papasukan ko for the 1st sem. 
Kapag 3rd week ng October ang sem break, tama yung bilang ko.
nakakalungkot kasi less than 40 days na lang. T^T
puro holiday kasi ngayong August. wala pa kaming pasok ng Saturday at Wednesday.

Ang bilis ng panahon. Ilang araw na lang, BER months na naman. 
Parang kakapasok ko pa lang nung June.
Tapos nakakilala ako ng mga bagong kaibigan.
Nung una, konti pa lang sila. 
Pero habang lumilipas ang mga araw, dumami na yung mga naging kaibigan ko.
Ang nakakatuwa pa dun, kahit 1 month pa lang kaming magkakakilala, magkakapatid na turingan namin. Kapag may problema yung isa, nag-aalala lahat.

Kahit yung mga lalaki, laging nandyan kapag may problema ka. 
Isang rule sa klase namin yung kung maiiwasan, "Huwag na muna Magboyfriend". 
Sa hirap ba naman ng course namin na kailangan talaga ng focus.

less than 40 days na lang buo yung I-BSA BLOCK III.
umaasa ako na makapasa kaming lahat next sem sa course pa din namin. nakakakaba din kasi. 

Ang saya lang siguro talaga nung naging bonding namin kahit sandali pa lang yun. 
ghost stories, dance revo, videoke, cell group, lunch dates, tawanan, chikahan.

Next sem panibagong kakilala na naman. Hindi na siguro kami yung mismong magkakablock. may madadagdag, o may mawawala. 

mamimiss ko yung una kong naging pamilya sa college.  <3

Wednesday, 8 August 2012

Proud to be Pinoy.

Nasubukan na naman tayong mga Pilipino nitong nakaraang araw.
Ang dami na namang binaha dahil sa pag-ulan.
Pero kahit ilang bagyo pa ata ang dumaan, makakabangon pa din tayong mga Pinoy.
Iba tayo eh. Kahit na may problema na, nakukuha pa nating ngumiti. :)

Ang dami kong nabasa sa twitter na mga tweets tungkol sa pilipinas.
na poor country at people pa daw.
ang daming pasikat na buti na lang daw wala sila sa pilipinas. famewhore. psh.

Mabuti nga at wala kayo dito kasi kung nagkataon, isusuka ka din ng Pilipinas palabas.

Dahil sa nangyaring pagbaha, parang napatunayan na naman natin na ang tatag natin. Ilang araw pa ang lilipas, makakarecover na ulit tayo.

Although hindi kami binaha, ramdam ko yung naramdaman nung mga binaha sa ibang lugar.Ang hirap ng ganung sitwasyon. Maswerte na kami at hindi bahain yung lugar namin.

Hindi ako nagsisisi na nasa Pilipinas ako. Nganga naman kayo kapag maganda panahon dito. Ang daming magagandang puntahan.

Tuesday, 7 August 2012

College.


1. Hindi uso recess. Depende sa sched mo kung may break ka.
2. Walang make-up classes ng Saturday kasi fixed na yung sched at may ibang nakasched talaga nun =)
3Hindi na masyadong waterproof. dumadalas na all levels na suspension ngayon. HAHAHAHA
4Swerte mo kapag 4 days lang pasok mo. katulad ko, 4 days lang, tapos hanggang 2 pa. =)
5. Kapag di kayo sinipot ng Prof after 30 mins o kung martyr ka, 1 hour, free cut na. di na dadating pag ganun, kaya alisan na. hahahaha
6. Mas konti na ang gamit. puro photocopies, isang bonder na lang. hahahaha
7. uno. yan ang laging inaasam ng mga college students. =) ang hirap magkagrade ng ganyan. lalo na pag kuripot yung prof. mo.

TIPS:
1. magbackpack instead na shoulder bag para mas komportable
2. wag na magmake-up, manghuhulas ka lang. pulbos lang okay na. =)
3. magpasikat ka sa Prof mo kung kelangan. di nya kayo kilala lahat at hindi sya nangangabisado talaga. Ang natatandaan lang nyan ay yung mga lagi nyang nakikitang nagrerecite. Kaya kung tatahimik ka lang sa isang tabi, sayang talino mo. 
un lang. HAHAHAHA

Wattpad <3


WATTPAD. isang online library na puno ng kwento. depende sa gusto mong basahin. 
yan yung naging buhay ko nung bakasyon at hindi na natapos.
maghapon, magdamag. =)
magbebreak lang kami kapag kakain ako o kapag may gagawin lang akong importante.
Sabi nung iba, boring daw magbasa online, pero yan ang nagpatunay na hindi.
Sabi nila, nagsasayang lang daw ako ng oras.
Pero sabi ko, itry nyo muna magbasa ng isa sa pinakamagandang storya sa wattpad, tingnan mo, kakainin mo din yang sinasabi mo. 
ANO NGA BANG NAPAPALA KO SA PAGBABASA SA WATTPAD?
mmmm.. sobrang dami. 
  • dahil sa kanya, ang dami kong natutunan tungkol sa love na yan.
  • Marami din akong natutunan sa mga ugali at klase ng lalaki, kung bakit sila ganun. (sana meron pa nung mga ganun ngayon).
  • dyan ako kinilig, umiyak, naasar, tumawa. HAHAHAHA
  • pag nagbabasa ako nyan, feeling ko, kilalang kilala ko na yung mga bida tapos minsan feeling ko kaibigan ko din sila, kasi pati ako, apektado. 
  • lalong tumaas yung standards ko sa mga lalaki dahil dyan. HAHAHA. kasi grabe gumawa ng dream man yung mga author.

Dyan ko nakilala si Top, Kenji, Lance, Kean, Troy, Sol, Stephen :"> iba iba ng ugali pero grabe magpakilig. :">

Ang laki ng naitulong sakin ng Wattpad sa totoo lang. Kaya kapag may nakikilala ako, o may nangyayari sakin...
"Ganito yung sa wattpad eh. HAHAHAHA"
"Mala-wattpad character. :">"
Basa na kayo :) Hindi kayo magsisisi. 
Babala: Nakakaadik. Hindi mo titigilan hanggang kinabukasan. HAHAHAHA
Sino ba dito ang wattpad-er din? :)
HELLO! :D
PS: Sa mga makakabasa nito na nagbabalak magbasa sa wattpad, 
suggestions ko lang to na basahin nyo. :)
  1. Break the Cassanova's Heart
  2. She's Dating the Gangster
  3. Talk Back and you're Dead
  4. 3 words, 8 letters (2 books)
  5. Sadist Lover
  6. My Facebook Boyfriend for Real
  7. Let me be the One
un lang. =)
-sushiiibabes

Friday, 3 August 2012

History repeats itself.

Mukhang nauulit na naman yung nangyari sakin dati, pero ngayon, dahil sa ibang tao na.
Pero sana naman ngayon pa lang, hindi na tumuloy-tuloy. Ganung ganun yung scenario.

Kailan kaya mababago? Kasawa na yung ganung klase ng storya. ayoko ng ikwento. hahahaha.

Lagi nalang hindi agad sakin. Hirap ng ganun. sa totoo lang. 

kaya gusto ko lang na maging kaibigan kita. para wala ng problema. masaya na ko ng ganun. 

baka ako na naman yung talo eh. hahaha



Thursday, 2 August 2012

I MUST PASS.

BACHELOR OF SCIENCE IN ACCOUNTANCY.

yan yung course na napagdesisyunan kong kunin.
Aakalain mong mahirap. Oo, sa una, pero depende rin siguro kung sino yung magtuturo ng basic sayo.
Debit, Credit, Payable, Receivable. sa una, malilito ka pa tungkol dyan.
pero habang tumatagal, malalaman mo din kung bakit naging ganun.

Maswerte ako dahil napunta ako sa Professor na madami ng napagdaanan, madami ng naranasan.
Ang swerte ng block namin kasi kami lang sa buong 1st year BSA ang tinuturuan nya.
Hindi sya yung typical na teacher na sisimulan sa Chapter 1.

Ang course daw na yan, pang matatalino daw kasi puro math. Pero hindi, ang naging math lang ata dito ay yung pag-aadd at multiply o pagkuha ng interest. Dapat marunong ka lang mag-analyze.
Nakakagulo ng utak to. Pero kung may tyaga ka, papasa ka.


"Stick to the Fight when you are hardest hit, it is when things seems worst that you must not quit."

Hindi ka dapat sumuko dahil lang nahihirapan ka na, parte na talaga yun bago mo marating yung inaasam mong tagumpay.

Dahil naumpisahan ko na rin to, hindi ako susuko. Tyatyagain ko bawat assignment at exam na magdadaan. Kahit may qualifying exam to, pipilitin kong makapasa. Dahil may pangarap akong gusto kong tuparin.

Walang bobo sa mundo, marami lang tamad. 


Ok lang naman tamarin minsan, wag lang araw-arawin.
Ok lang din naman kumopya ng assignment minsan, pero wag madalas.

Nasa part 1 pa lang siguro ako bago ako makarating dun sa pinapangarap ko. Kumbaga sa movie, wala pa ko sa climax. hahahaha.
Pumasa naman sana ko. please lang. hahahaha. kung hindi, BA ang bagsak ko.


-sushiiibabes

Wednesday, 1 August 2012

Think Positive.

THINK POSITIVE!


Lagi natin yang sinasabi kapag may nangyaring masama satin. 
O kaya naman yung tipong alam natin na mapapagalitan na tayo.
Pero yan dapat ang lagi nating iisipin.
Simpleng salita pero totoo.
Pag may problema, dapat hindi natin masyado iniintindi ito. 
Dapat humahanap pa din tayo dito ng magandang naidulot ng problemang to.
Positive Thinker dapat tayo.


Nawalan ako ng dalawang cellphone 2 days ago.
Ang masaklap pa dun, isang iPhone at isang Blackberry.
Nung una, hindi ko talaga alam gagawin ko dahil kahit anong hanap ko sa bag ko, wala na.
Sa una, manlulumo ka talaga. Pero habang tumatagal, napa-isip ako, may okay na yun kesa kung anong mangyari saking masama.


Ang cellphone, mapapalitan pa yan, pero kung ang buhay na mawala, di na pwedeng palitan.
Materyal na bagay lang yan. Kaya natanggap ko na rin na ok lang yung nangyari.


Everything happens for a reason.


Siguro kaya nangyari yun dahil kailangan nung taong yun ng pangtuition or something.
Nakatulong pa ko kahit ako yung nawalan. Siguro way yun ni Lord para marealize ko na huwag masyadong damihan ang oras para sa mga materyal na bagay. 
Kahit ganun yung nangyari, inisip ko pa din yung magandang epekto sakin nun.

Kaya ngayon, mas magiging maingat na lang ako sa gamit ko, at sa lahat ng bagay na importante sakin.
=))

-sushiiibabes-








Tuesday, 31 July 2012

Happy 3rd <3




It started with just one click. 
Hanggang hindi na natapos. 
August 1, 2009
yan yung date na malay ko bang magiging simula ng lahat.
HAHAHAHA.

nasali ako sa isang gang. hahahahaha
isang gang na puro kalokohan,
puno ng kadramahan,
puno ng kasiyahan,
palaging nag-aasaran,
hindi nauubusan ng bala pagdating sa kwentuhan.
hahampasin ka na lang kapag sobra kung makatawa. hahahaha
ETC.
 
sa tatlong taon na yun, 
nagkaroon ako ng mga kapatid, kaibigan, tigapayo at kung anu-ano pa.
sa inyo ko napakita yung pagiging gaga ko. hahaha

SALAMAT,
dahil hanggang ngayon, buo pa din tayo.
dahil lagi kayong handang makinig kapag may ikukwento ako. hahaha
dahil binibigyan nyo ko ng payo kapag nabubulag na ko sa tama o hindi.
dahil isa ako sa mga sinasabihan nyo ng secret nyo. haha
dahil sa inyo, naging sobrang saya ang high school ko. 

 iba-iba man na tayo ng school ngayon, 
iba ibang course, 
pero alam kong nandyan pa din yung friendship natin na buo.
at matatag. =)

ibang iba pa din ako kapag kayo yung kasama ko.
ok lang na tawa ako ng tawa habang naglalakad sa mall, kayo naman kasama ko eh. hahaha


PS: TCS, yung date natin. hahahaha.
namimiss ko na naman kayo. 
good luck sa tin. 
til next time. =)) 

I LOVE YOU!

love,
nikka babes  :D

Newbie here. =)

Hi! Ako nga pala si Nikka. 16 years old. College, BSA student. Wattpad-er. 


 Bago pa lang ako dito. 
Naisipan ko lang gumawa ng blog.
Gusto ko lang may mapaglabasan ng kung anu-ano. hahahaha. 


ice creaaaam! lagi ko yang kailangan pag nababadtrip ako.


minsan na kong natuto sa tarakleng pag-ibig na yan. corny mang pakinggan. hahahaha


Pag about wattpad ang pinag-uusapan, buhay na buhay ang katawang lupa ko. hahaha. 


Hanggang dun muna sa ngayon. =)))
 

Blogger news

Blogroll

Personal - Top Blogs Philippines

About