Pages

Thursday, 2 August 2012

I MUST PASS.

BACHELOR OF SCIENCE IN ACCOUNTANCY.

yan yung course na napagdesisyunan kong kunin.
Aakalain mong mahirap. Oo, sa una, pero depende rin siguro kung sino yung magtuturo ng basic sayo.
Debit, Credit, Payable, Receivable. sa una, malilito ka pa tungkol dyan.
pero habang tumatagal, malalaman mo din kung bakit naging ganun.

Maswerte ako dahil napunta ako sa Professor na madami ng napagdaanan, madami ng naranasan.
Ang swerte ng block namin kasi kami lang sa buong 1st year BSA ang tinuturuan nya.
Hindi sya yung typical na teacher na sisimulan sa Chapter 1.

Ang course daw na yan, pang matatalino daw kasi puro math. Pero hindi, ang naging math lang ata dito ay yung pag-aadd at multiply o pagkuha ng interest. Dapat marunong ka lang mag-analyze.
Nakakagulo ng utak to. Pero kung may tyaga ka, papasa ka.


"Stick to the Fight when you are hardest hit, it is when things seems worst that you must not quit."

Hindi ka dapat sumuko dahil lang nahihirapan ka na, parte na talaga yun bago mo marating yung inaasam mong tagumpay.

Dahil naumpisahan ko na rin to, hindi ako susuko. Tyatyagain ko bawat assignment at exam na magdadaan. Kahit may qualifying exam to, pipilitin kong makapasa. Dahil may pangarap akong gusto kong tuparin.

Walang bobo sa mundo, marami lang tamad. 


Ok lang naman tamarin minsan, wag lang araw-arawin.
Ok lang din naman kumopya ng assignment minsan, pero wag madalas.

Nasa part 1 pa lang siguro ako bago ako makarating dun sa pinapangarap ko. Kumbaga sa movie, wala pa ko sa climax. hahahaha.
Pumasa naman sana ko. please lang. hahahaha. kung hindi, BA ang bagsak ko.


-sushiiibabes

0 comments:

Post a Comment

 

Blogger news

Blogroll

Personal - Top Blogs Philippines

About