1. Hindi uso recess. Depende sa sched mo kung may break ka.
2. Walang make-up classes ng Saturday kasi fixed na yung sched at may ibang nakasched talaga nun =)
3. Hindi na masyadong waterproof. dumadalas na all levels na suspension ngayon. HAHAHAHA
4. Swerte mo kapag 4 days lang pasok mo. katulad ko, 4 days lang, tapos hanggang 2 pa. =)
5. Kapag di kayo sinipot ng Prof after 30 mins o kung martyr ka, 1 hour, free cut na. di na dadating pag ganun, kaya alisan na. hahahaha
6. Mas konti na ang gamit. puro photocopies, isang bonder na lang. hahahaha
7. uno. yan ang laging inaasam ng mga college students. =) ang hirap magkagrade ng ganyan. lalo na pag kuripot yung prof. mo.
TIPS:
1. magbackpack instead na shoulder bag para mas komportable.
2. wag na magmake-up, manghuhulas ka lang. pulbos lang okay na. =)
3. magpasikat ka sa Prof mo kung kelangan. di nya kayo kilala lahat at hindi sya nangangabisado talaga. Ang natatandaan lang nyan ay yung mga lagi nyang nakikitang nagrerecite. Kaya kung tatahimik ka lang sa isang tabi, sayang talino mo.
un lang. HAHAHAHA

0 comments:
Post a Comment