WATTPAD. isang online library na puno ng kwento. depende sa gusto mong basahin.
yan yung naging buhay ko nung bakasyon at hindi na natapos.
maghapon, magdamag. =)
magbebreak lang kami kapag kakain ako o kapag may gagawin lang akong importante.
Sabi nung iba, boring daw magbasa online, pero yan ang nagpatunay na hindi.
Sabi nila, nagsasayang lang daw ako ng oras.
Pero sabi ko, itry nyo muna magbasa ng isa sa pinakamagandang storya sa wattpad, tingnan mo, kakainin mo din yang sinasabi mo.
ANO NGA BANG NAPAPALA KO SA PAGBABASA SA WATTPAD?
mmmm.. sobrang dami.
- dahil sa kanya, ang dami kong natutunan tungkol sa love na yan.
- Marami din akong natutunan sa mga ugali at klase ng lalaki, kung bakit sila ganun. (sana meron pa nung mga ganun ngayon).
- dyan ako kinilig, umiyak, naasar, tumawa. HAHAHAHA
- pag nagbabasa ako nyan, feeling ko, kilalang kilala ko na yung mga bida tapos minsan feeling ko kaibigan ko din sila, kasi pati ako, apektado.
- lalong tumaas yung standards ko sa mga lalaki dahil dyan. HAHAHA. kasi grabe gumawa ng dream man yung mga author.
Dyan ko nakilala si Top, Kenji, Lance, Kean, Troy, Sol, Stephen :"> iba iba ng ugali pero grabe magpakilig. :">
Ang laki ng naitulong sakin ng Wattpad sa totoo lang. Kaya kapag may nakikilala ako, o may nangyayari sakin...
"Ganito yung sa wattpad eh. HAHAHAHA"
"Mala-wattpad character. :">"
Basa na kayo :) Hindi kayo magsisisi.
Babala: Nakakaadik. Hindi mo titigilan hanggang kinabukasan. HAHAHAHA
Sino ba dito ang wattpad-er din? :)
HELLO! :D
PS: Sa mga makakabasa nito na nagbabalak magbasa sa wattpad,
suggestions ko lang to na basahin nyo. :)
- Break the Cassanova's Heart
- She's Dating the Gangster
- Talk Back and you're Dead
- 3 words, 8 letters (2 books)
- Sadist Lover
- My Facebook Boyfriend for Real
- Let me be the One
un lang. =)
-sushiiibabes

0 comments:
Post a Comment