Pages

Thursday, 30 August 2012

typical na araw.

dahil halos isang linggo akong walang pasok dahil puro holiday at wala talaga akong pasok,
eto ako sa bahay. NGANGA. hahahaha

mas nakakapag-isip ako kapag gabi.
kaya gabi lagi akong nagbblog.

mas tumaba ata ako, dahil christmas vacation ang peg ng bakasyon ko.
dagdag mo pa yung buko salad na ginawa ng aking mother dear.

tumblr dito, facebook dun. update din ng storya sa wattpad.
yan lang ginagawa ko lately.

nasa bahay lang ako. gusto ko mang gumala araw-araw.
nakakatamad at mainit. hahahaha


Thursday, 23 August 2012

Take the Risk, Again.

yan yung title ng pinaka una kong story sa wattpad.
kakasimula ko pa lang dyan.
natripan ko lang magpost. ewan ko ba, umupo lang ako sa harap ng pc, nakaopen yung tab ng wattpad, tapos ayun, triny ko magpost ng story.

alam mo yung may story ka na nasa isip mo na, may ending na din, saka conflict pero ang hirap pala pahabain nung kwento. hindi naman pwedeng ganito:

"Hindi na sya muling nagmahal dahil nasaktan na sya dati. Pero nung may dumating na lalaking para sa kanya, handa na ulit siyang magtake ng risk, at masaktan. pero yung lalaki, iniwan din sya dahil ..." ok.

para ka lang gumawa ng isang paragraph. hahahaha.

sana matapos ko to, sana may magbasa, sana magandahan yung magbabasa.
sana may kiligin.

:3

Thursday, 9 August 2012

less than 40 days.


binilang ko na yung kung ilang days na lang ang papasukan ko for the 1st sem. 
Kapag 3rd week ng October ang sem break, tama yung bilang ko.
nakakalungkot kasi less than 40 days na lang. T^T
puro holiday kasi ngayong August. wala pa kaming pasok ng Saturday at Wednesday.

Ang bilis ng panahon. Ilang araw na lang, BER months na naman. 
Parang kakapasok ko pa lang nung June.
Tapos nakakilala ako ng mga bagong kaibigan.
Nung una, konti pa lang sila. 
Pero habang lumilipas ang mga araw, dumami na yung mga naging kaibigan ko.
Ang nakakatuwa pa dun, kahit 1 month pa lang kaming magkakakilala, magkakapatid na turingan namin. Kapag may problema yung isa, nag-aalala lahat.

Kahit yung mga lalaki, laging nandyan kapag may problema ka. 
Isang rule sa klase namin yung kung maiiwasan, "Huwag na muna Magboyfriend". 
Sa hirap ba naman ng course namin na kailangan talaga ng focus.

less than 40 days na lang buo yung I-BSA BLOCK III.
umaasa ako na makapasa kaming lahat next sem sa course pa din namin. nakakakaba din kasi. 

Ang saya lang siguro talaga nung naging bonding namin kahit sandali pa lang yun. 
ghost stories, dance revo, videoke, cell group, lunch dates, tawanan, chikahan.

Next sem panibagong kakilala na naman. Hindi na siguro kami yung mismong magkakablock. may madadagdag, o may mawawala. 

mamimiss ko yung una kong naging pamilya sa college.  <3

Wednesday, 8 August 2012

Proud to be Pinoy.

Nasubukan na naman tayong mga Pilipino nitong nakaraang araw.
Ang dami na namang binaha dahil sa pag-ulan.
Pero kahit ilang bagyo pa ata ang dumaan, makakabangon pa din tayong mga Pinoy.
Iba tayo eh. Kahit na may problema na, nakukuha pa nating ngumiti. :)

Ang dami kong nabasa sa twitter na mga tweets tungkol sa pilipinas.
na poor country at people pa daw.
ang daming pasikat na buti na lang daw wala sila sa pilipinas. famewhore. psh.

Mabuti nga at wala kayo dito kasi kung nagkataon, isusuka ka din ng Pilipinas palabas.

Dahil sa nangyaring pagbaha, parang napatunayan na naman natin na ang tatag natin. Ilang araw pa ang lilipas, makakarecover na ulit tayo.

Although hindi kami binaha, ramdam ko yung naramdaman nung mga binaha sa ibang lugar.Ang hirap ng ganung sitwasyon. Maswerte na kami at hindi bahain yung lugar namin.

Hindi ako nagsisisi na nasa Pilipinas ako. Nganga naman kayo kapag maganda panahon dito. Ang daming magagandang puntahan.

Tuesday, 7 August 2012

College.


1. Hindi uso recess. Depende sa sched mo kung may break ka.
2. Walang make-up classes ng Saturday kasi fixed na yung sched at may ibang nakasched talaga nun =)
3Hindi na masyadong waterproof. dumadalas na all levels na suspension ngayon. HAHAHAHA
4Swerte mo kapag 4 days lang pasok mo. katulad ko, 4 days lang, tapos hanggang 2 pa. =)
5. Kapag di kayo sinipot ng Prof after 30 mins o kung martyr ka, 1 hour, free cut na. di na dadating pag ganun, kaya alisan na. hahahaha
6. Mas konti na ang gamit. puro photocopies, isang bonder na lang. hahahaha
7. uno. yan ang laging inaasam ng mga college students. =) ang hirap magkagrade ng ganyan. lalo na pag kuripot yung prof. mo.

TIPS:
1. magbackpack instead na shoulder bag para mas komportable
2. wag na magmake-up, manghuhulas ka lang. pulbos lang okay na. =)
3. magpasikat ka sa Prof mo kung kelangan. di nya kayo kilala lahat at hindi sya nangangabisado talaga. Ang natatandaan lang nyan ay yung mga lagi nyang nakikitang nagrerecite. Kaya kung tatahimik ka lang sa isang tabi, sayang talino mo. 
un lang. HAHAHAHA

Wattpad <3


WATTPAD. isang online library na puno ng kwento. depende sa gusto mong basahin. 
yan yung naging buhay ko nung bakasyon at hindi na natapos.
maghapon, magdamag. =)
magbebreak lang kami kapag kakain ako o kapag may gagawin lang akong importante.
Sabi nung iba, boring daw magbasa online, pero yan ang nagpatunay na hindi.
Sabi nila, nagsasayang lang daw ako ng oras.
Pero sabi ko, itry nyo muna magbasa ng isa sa pinakamagandang storya sa wattpad, tingnan mo, kakainin mo din yang sinasabi mo. 
ANO NGA BANG NAPAPALA KO SA PAGBABASA SA WATTPAD?
mmmm.. sobrang dami. 
  • dahil sa kanya, ang dami kong natutunan tungkol sa love na yan.
  • Marami din akong natutunan sa mga ugali at klase ng lalaki, kung bakit sila ganun. (sana meron pa nung mga ganun ngayon).
  • dyan ako kinilig, umiyak, naasar, tumawa. HAHAHAHA
  • pag nagbabasa ako nyan, feeling ko, kilalang kilala ko na yung mga bida tapos minsan feeling ko kaibigan ko din sila, kasi pati ako, apektado. 
  • lalong tumaas yung standards ko sa mga lalaki dahil dyan. HAHAHA. kasi grabe gumawa ng dream man yung mga author.

Dyan ko nakilala si Top, Kenji, Lance, Kean, Troy, Sol, Stephen :"> iba iba ng ugali pero grabe magpakilig. :">

Ang laki ng naitulong sakin ng Wattpad sa totoo lang. Kaya kapag may nakikilala ako, o may nangyayari sakin...
"Ganito yung sa wattpad eh. HAHAHAHA"
"Mala-wattpad character. :">"
Basa na kayo :) Hindi kayo magsisisi. 
Babala: Nakakaadik. Hindi mo titigilan hanggang kinabukasan. HAHAHAHA
Sino ba dito ang wattpad-er din? :)
HELLO! :D
PS: Sa mga makakabasa nito na nagbabalak magbasa sa wattpad, 
suggestions ko lang to na basahin nyo. :)
  1. Break the Cassanova's Heart
  2. She's Dating the Gangster
  3. Talk Back and you're Dead
  4. 3 words, 8 letters (2 books)
  5. Sadist Lover
  6. My Facebook Boyfriend for Real
  7. Let me be the One
un lang. =)
-sushiiibabes

Friday, 3 August 2012

History repeats itself.

Mukhang nauulit na naman yung nangyari sakin dati, pero ngayon, dahil sa ibang tao na.
Pero sana naman ngayon pa lang, hindi na tumuloy-tuloy. Ganung ganun yung scenario.

Kailan kaya mababago? Kasawa na yung ganung klase ng storya. ayoko ng ikwento. hahahaha.

Lagi nalang hindi agad sakin. Hirap ng ganun. sa totoo lang. 

kaya gusto ko lang na maging kaibigan kita. para wala ng problema. masaya na ko ng ganun. 

baka ako na naman yung talo eh. hahaha



Thursday, 2 August 2012

I MUST PASS.

BACHELOR OF SCIENCE IN ACCOUNTANCY.

yan yung course na napagdesisyunan kong kunin.
Aakalain mong mahirap. Oo, sa una, pero depende rin siguro kung sino yung magtuturo ng basic sayo.
Debit, Credit, Payable, Receivable. sa una, malilito ka pa tungkol dyan.
pero habang tumatagal, malalaman mo din kung bakit naging ganun.

Maswerte ako dahil napunta ako sa Professor na madami ng napagdaanan, madami ng naranasan.
Ang swerte ng block namin kasi kami lang sa buong 1st year BSA ang tinuturuan nya.
Hindi sya yung typical na teacher na sisimulan sa Chapter 1.

Ang course daw na yan, pang matatalino daw kasi puro math. Pero hindi, ang naging math lang ata dito ay yung pag-aadd at multiply o pagkuha ng interest. Dapat marunong ka lang mag-analyze.
Nakakagulo ng utak to. Pero kung may tyaga ka, papasa ka.


"Stick to the Fight when you are hardest hit, it is when things seems worst that you must not quit."

Hindi ka dapat sumuko dahil lang nahihirapan ka na, parte na talaga yun bago mo marating yung inaasam mong tagumpay.

Dahil naumpisahan ko na rin to, hindi ako susuko. Tyatyagain ko bawat assignment at exam na magdadaan. Kahit may qualifying exam to, pipilitin kong makapasa. Dahil may pangarap akong gusto kong tuparin.

Walang bobo sa mundo, marami lang tamad. 


Ok lang naman tamarin minsan, wag lang araw-arawin.
Ok lang din naman kumopya ng assignment minsan, pero wag madalas.

Nasa part 1 pa lang siguro ako bago ako makarating dun sa pinapangarap ko. Kumbaga sa movie, wala pa ko sa climax. hahahaha.
Pumasa naman sana ko. please lang. hahahaha. kung hindi, BA ang bagsak ko.


-sushiiibabes

Wednesday, 1 August 2012

Think Positive.

THINK POSITIVE!


Lagi natin yang sinasabi kapag may nangyaring masama satin. 
O kaya naman yung tipong alam natin na mapapagalitan na tayo.
Pero yan dapat ang lagi nating iisipin.
Simpleng salita pero totoo.
Pag may problema, dapat hindi natin masyado iniintindi ito. 
Dapat humahanap pa din tayo dito ng magandang naidulot ng problemang to.
Positive Thinker dapat tayo.


Nawalan ako ng dalawang cellphone 2 days ago.
Ang masaklap pa dun, isang iPhone at isang Blackberry.
Nung una, hindi ko talaga alam gagawin ko dahil kahit anong hanap ko sa bag ko, wala na.
Sa una, manlulumo ka talaga. Pero habang tumatagal, napa-isip ako, may okay na yun kesa kung anong mangyari saking masama.


Ang cellphone, mapapalitan pa yan, pero kung ang buhay na mawala, di na pwedeng palitan.
Materyal na bagay lang yan. Kaya natanggap ko na rin na ok lang yung nangyari.


Everything happens for a reason.


Siguro kaya nangyari yun dahil kailangan nung taong yun ng pangtuition or something.
Nakatulong pa ko kahit ako yung nawalan. Siguro way yun ni Lord para marealize ko na huwag masyadong damihan ang oras para sa mga materyal na bagay. 
Kahit ganun yung nangyari, inisip ko pa din yung magandang epekto sakin nun.

Kaya ngayon, mas magiging maingat na lang ako sa gamit ko, at sa lahat ng bagay na importante sakin.
=))

-sushiiibabes-








 

Blogger news

Blogroll

Personal - Top Blogs Philippines

About